Dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Marikina River, ibinaba na sa 1st alarm ang status nito.
Alas 11:00 ng umaga, sinabi ng Marikina City Public Information Office na 15.7 na lamang ang antas ng tubig sa Marikina River.
Naging mabilis ang pagbaba ng water level dahil pabugso-bugso na lang ang nararanasang mga pag-ulan.
May mga residente pa rin naman na nananatili sa mga evacuation center.
Bagaman humupa na ang tubig baha sa kanilang mga bahay, kinakailangan pang linisin ang tubig baha at putik na pumasok sa kanilang tahanan bago sila tuluyang makauwi.
MOST READ
LATEST STORIES