Lubang, Occ. Mindoro niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Lubang sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Naitala ang lindol sa 45 kilometers south west ng Lubang, alas 9:37 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, 46 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.

Read more...