Pasok sa mga korte sa Metro Manila suspendido na mula alas 12:00 ng tanghali

Sinuspinde na ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila mula alas 12:00 ng tanghali ngayong Lunes (Aug, 13).

Ang anunsyo ay base sa kautusan ni Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Sakop ng suspensyon ang trabaho sa Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at lahat ng korte sa buong Metro Manila.

Sa mga korte naman sa iba pang lugar na apektado ng malakas na ulan at pagbaha, sinabi ni Carpio na ipinauubaya na niya sa mga executive judge ang pagdedesisyon.

Una nang sinuspinde ng Korte Suprema mula Lunes ng umaga ang pasok sa mga korte sa Marikina City.

 

Read more...