Inatasan na ng Malakanyang ang Department of Environment and Natural Resources na busisiin ang quarrying sa mga kabundukan sa Rizal.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Bong Go, naipaabot na niya kay DENR Secretary Roy Cimatu ang naturang sitwasyon.
Ginawa ni Go ang pahayag matapos ang pagbisita kagabi sa mga apektadong residente ng habagat sa Taytay, Rizal; Marikina at Quezon City.
Ayin kay Go, isang residente sa Marikina ang nagsumbong sa kanya na ang quarrying sa Rizal ang dahilan ng pagbaha sa kanilang lugar.
Samantala, sinabi ni Go na maaring magsagawa ng aerial inspection ngayong araw si Pangulong Duterte sa Metro Manila para alamin ang sitwasyon ng mga binaha dulot ng habagat.
MOST READ
LATEST STORIES