Yellow rainfall warning nakataas sa Metro Manila at 5 pang lalawigan

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa buong Metro Manila at sa mga kalapit nitong lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 9:00 ng umaga, yellow warning level ang nakataas sa Metro Manila, Cavite, Bulacan, Rizal, Zambales at Bataan.

Ayon sa PAGASA, ang nararanasang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar ay maarig magdulot ng pagbaha at landslides.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa
Batangas, Laguna, Nueva Ecija, Quezon, Pampanga at Tarlac.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 12:00 ng tanghali.

Read more...