Halos 200 pasahero stranded sa mga pantalan – PCG

Aabot sa 193 na mga pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Bicol Region at Southern Tagalog.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol, mayroong 91 na stranded na mga pasahero sa Pasacao Port sa Camarines Sur.

Sa mga pantalan naman ng Southern Luzon, nakapagtala din ng mga stranded na pasahero partikular sa Real Port sa Romblon na may 58 stranded na pasahero; Tingloy Port sa Batangas, 26; at sa Infanta Port, 16 na pasahero.

Mayroon ding 30 mga motorbanca ang stranded sa mga pantalan at 5 barko.

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Coast Guard sa alituntunin sa pagbabawal sa paglalayag ng mga sasakyang pandagat kapag masama ang panahon.

Read more...