Pasok sa trabaho sa senado, suspendido na alas 11:00 ng umaga

Sinuspinde na ang pasok sa trabaho sa senado simula alas 11:00 ng umaga ngayong Lunes, August 13.

Ang suspensyon ay inanunsyo ni Senate President Tito Sotto dahil mahigit 50% aniya ng mga empleyado ng senado ay naapektuhan ng pagbaha.

Bagaman suspendido na ang pasok, sinabi ni Senator Win Gatchalian na tuloy ang naka-schedule na hearing ng pinamumunuan niyang Committee on Energy na tatalakay sa status ng electrification sa bansa.

Habang kanselado naman na ang pagdinig kaugnay sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea na nakatakda sanang gawin alas 9:00 ng umaga sa ilalim ng Committee on Foreign Relations at Committee on National Defense and Security.

Maging ang pagdinig na naka-schedule sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs at Committee on Local Government na dapat ay nakatakda ng alas 10:00 ng umaga ay suspendido na rin.

Read more...