Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital si Gerardo Argota Jr., isang carwash boy matapos ang pangyayari.
Sa report ng pulisya, kasalukuyang humaharap kay Prosecutor Ma. Josefina Concepcion sa Manila City Hall si Argota nang bigla itong bumagsak at mangisay.
Kinumpirma naman ng mga kaanak ng biktima na may sakit itong epilepsy.
Si Argota ay unang dinakip ng mga otoridad batay sa reklamo ng isang barangay councilor ng Barangay 902 na nakahuli dito sa aktong ginagahasa ang isang anim na taong gulang na bata sa loob ng tenement kung saan ito nakatira.
Isasailalim sa kaukulang otopsiya ang labi ni Argota upang matukoy ang eksaktong dahilan ng pagkamatay nito.