Iniimbestigahan na ng Bureau of Customs ang mga ulat ng pagkakasangkot ng isang kumpanya ng negosyanteng si Reghis Romero sa rice smuggling.
Una nang naungkat ang isyu makaraang maghain ng reklamo ang grupong National Coalition of Filipino Consumers sa Ombudsman laban sa National Food Authority dahil sa iligal na pag-iimbak ng inaangkat na bigas.
Kasama sa naturang reklamo ang kumpanya ni Romero na Harbour Centre Port Holdings Inc., na sinasabing nagtatago ng mga illegal shipment ng bigas nang walang kaukulang permiso mula sa NFA.
Giit ng grupo, bagaman batid ng NFA ang iligal na pag-iimbak ng bigas ng HCPHI, wala itong ginagawang aksyon upang pigilan ito.
Dahil dito, maituturing itong paglabag sa Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon kay Customs Commissioner Bert Lina, kanya nang inatasan ang mga tauhan ng BOC na kumalap ng impormasyon sa naturang report ng pagkakasangkot ng HCPHIsa rice smuggling.