Magsasagawa na rin ng parallel inquiry ang Presidential Anti Corruption Commission (PACC) kaugnay sa smuggling ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P4 bilyon at P6.8 bilyon.
Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, ipatatawag din ng kanilang hanay ang mga personalidad na dawit sa smuggling ng ilegal na droga.
Matatandaang noong nakaraang linggo lamang, aabot sa mahigit P4 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakalusot sa Port of Manila habang kamakailan ay nadiskubre naman ang P6.4 bilyong halaga ng shabu ang nadiskubre sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Ayon kay Luna, bubusisiin ng kanilang hanay kung sinong mga tiwaling opisyal ng gobyerno ang nagsabwatan para makalusot sa bansa ang mga ilegal na droga.
Hindi aniya magdadalawang-isip na magrekomenda ang PACC kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang mga tiwaling opisyal.