San Roque Dam, nagpakawala ng tubig

Inquirer file photo

Nagbukas ng apat na gates ng San Roque Dam sa Pangasinan para magpakawala ng tubig, Linggo ng umaga.

Ito ay bunsod ng naipong tubig dulot ng naranasang tuluy-tuloy na pag-ulan simula kahapon.

Ayon sa National Power Corporation (NPC), walang rason para maalarma ang mga residente dahil kayang madala ng Agno River ang ilalabas na tubig ng dam.

Gayunman, pinaalalahanan ng NPC ang mga residenteng malapit sa ilog na manatiling maging alerto.

Maliban sa San Roque Dam, nauna nang nagpakawala ang Ambuklao Dam, Binga Dam, Magat Dam at Ipo Dam.

Read more...