Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Davao Oriental, Linggo ng umaga.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 73 kilometers North ng Baganga dakong 9:16 ng umaga.

May lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang lindol.

Read more...