NASA, muling susubukan ang paglunsad ng Parker Solar Probe

AP photo

Muling susubukan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang paglulunsad ng kanilang unang misyon para pag-aralan ang Araw.

Magsisimula ang paglulunsad ng Parker Solar Probe mamayang 3:31 ng hapon, oras sa Pilipinas.

Tatagal ng 60 minuto ang paglulunsad ng $1.5 billion-spacecraft.

Layon nitong makita makalapit sa misteryosong atmosphere ng Sun na tinatawag na Corona.

Maliban dito, nais din ng mga scientist na magsagawa ng malalimang pag-aaral sa solar wind at geomagnetic storms na posibleng makaapekto sa Earth.

Aabutin ng pitong taon ang misyon para sa mabusising pag-aaral sa Sun.

Matatandaang pinagpaliban ng 24 oras ng NASA ang paglulunsad dahil sa naranasang technical problem.

Read more...