Dry run sa pagbabawal ng “singles” sa Edsa, isasagawa ng MMDA

Magsasagawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang linggong dry run para sa planong pagbabawal ng “singles” o “driver-only private vehicle” sa Edsa tuwing rush hour.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, epektibo ang pagbabawal sa driver-only vehicles sa Edsa simula August 15, mula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 6:00 hanggang 9:00 ng gabi.

Dahil dito, hinikayat ang mga maaapektuhang motorista na humanap ng dadaanang alternatibong ruta sa mga nasabing oras.

Ito na ang ikalawang beses na susubukan ng MMDA ang pag-implementa ng panukalang high-occupancy vehicle (HOV) traffic scheme.

Layon nito na mabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa Edsa.

Matatandaang umaani ng batikos ang naturang traffic scheme.

Read more...