Marikina river, ibinaba na sa 2nd alarma

Photo credit: Marikina PIO

(Updated) Ibinaba na sa ikalawang alarma ang Marikina River, Linggo ng umaga.

Batay sa abiso ng Marikina Public Information Office (PIO), bumaba ang lebel ng tubig sa ilog ng 16.9 meters bandang 9:00 ng umaga.

Samantala, sinabi ng Marikina PIO na unti-unti nang humuhupa ang baha sa mga lahat ng secondary road sa lugar.

Nananatili namang hindi pa maaaring daanan ng mga motorista ang mga sumusunod:
– Provident Village
– Marikina Bridge underloop
– Marcos Bridge underloop

Read more...