Binubuno ng mga pamatay sunog ang wildfire na tumupok na sa 33 square miles o 85 square kilometers na lupain kasama na ang ilang kabahayan.
Walang tigil ang pagbuga ng tubig ng mga firefighters sakay ang aircrafts upang maprotektahan ang Lake Elsinore at iba pang foothill communities sa Cleveland National Forest.
Patuloy na nagpapalaki sa sunog ang malalakas na hangin.
Iprinesenta na korte ang lalaking sinasabing nagpasimula sa sunog ngunit ipinagpaliban ang kanyang arraignment.
Nakilala itong si Forrest Clark, 51 anyos na iginigiit na isang malaking kasinungaling ang kasong arson na isinampa laban sa kanya.
Aabot ang pyansa para kay Clark sa $1 milyon at maaaring makulong pamhabangbuhay.
Itinuturong dahilan ng mas matagal, mas mapaminsala at napaagang panahon ng mga wildfire ang tagtuyot at mainit na panahon bunsod ng epekto ng climate change.