Sharon Cuneta ipagdiriwang ang kanyang ika-40 anibersaryo sa Showbiz

Magpapasiklab sa isang concert ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Ito ay bilang selebrasyon ng kanyang ika-40 na anibersaryo sa showbiz industry.

Pinamagatan ang kanyang concert na ‘My 40 Years, Sharon’ at magaganap sa Sept. 29 sa Araneta Coliseum.

Dahil dito, inilunsad ng singer-actress ang SharonCunetaNetwork kung saan pag-iisahin ang kanyang online platforms sa Facebook, Twitter, Instagram at Youtube.

Maglalaman ito ng exclusive at original content kabilang ang mga webisodes at updates tungkol sa kanyang buhay.

Nagsimula ang 52-anyos na Megastar sa showbiz noong 1978 at bumida na sa mahigit 50 pelikula.

Read more...