Ito ang sinasabing dahilan kung bakit nakalusot sa bansa ang P6.8 Million na shipment ng shabu sa Manila International Container Port (MICP).
Sinabi ni Lapeña na kung kaagad lang na naalerto ang kanyang tanggapan sa pagdating mga maglifters na natagpuan sa Cavite ay mabilis sanang nakatugon ang BOC para harangin ang nasabing kargamento.
Sa loob ng nasabing mga magnetic filters pininiwalaang idinilagay ang kilo-kilong shabu na nagmula sa Malaysia.
Ang nasabing mga magnetic filters ay natagpuang abandonado sa isang bodega sa General Mariano Alvarez sa Cavite kamakalawa.
Kamakailan ay nakasabat na rin ang BOC ng P4.3 Billion na halaga ng shabu na ipinuslit papasok sa bansa sa pamamagitan ng mga magnetic lifters.
Sa kabila ng nasabing pangyayari ay tiniyak naman ng opisyal na tuloy pa rin ang kanilang maayos na relasyon sa mga opisyal at tauhan ng PDEA na minsan ring pinamunuan ni Lapeña.
Samantala, sinabi naman ng Malacañang na gusto ng pangulo na imbestigahan ang nasabing pangyayari para alamin kung may mga opisyal ba na nagsabwatan para makalusot ang nasabing shipment ng shabu.