PNP naka-alerto sa posible pang pag-atake sa Northern Samar

Inquirer file photo

Nasa heightened alert ngayon ang buong pwersa ng pulisya sa lalawigan ng Northern Samar.

Kasunod ito sa naging pag-atake ng mga miyembro ng New People’s Army sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Lapinig.

Sinabi ng Northern Samar PNP Office na posibleng itinaon ang pag-atake sa pagsasampa ng kaso sa NPA leader sa lalawigan na si Marieta bartolo, alyas Tayang.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na nakipag-ugnayan na siya sa Armed Forces of the Philippines para sa pagdaragdag ng pwersa sa mga matataong lugar sa lalawigan.

Pati ang buong pwersa ng PNP sa lalawigan ay kinansela na rin ang day-off para sa inaasahang dagdag na pag-atake ng mga komunistang grupo.

Read more...