Pilipinas bigong masungkit ang 3rd place sa FIBA Under-18 Asian

Photo: Fiba

Natalo ang Batang Gilas Pilipinas kontra sa China sa pagsungkit ng third place sa FIBA Under-18 Asian Championship sa iskor na 76-57.

Sa first quarter pa lang ng laban, umabot na sa 11 puntos ang lamang ng China sa Batang Gilas.

Matapos ito, hindi na bumaba sa 12 puntos ang lamang ng China sa Pilipinas.

Sinabi ng ilang analyst na mabilis ang naging laro ng China at halatang nahirapang humabol ang team ng Pilipinas.

Matatandaang natalo pa ng Pilipinas ang China sa unang laban sa group stage ng tournament.

Gayunman, naipamalas pa rin ang galing ng frontline stars na sina Kai Sotto at AJ Edu.

Read more...