Nag-crash ang isang eroplano ng Horizon Airline ilang minuto makaraan itong mag-take off sa Seattle-Tacoma International Airport.
Ang Horizon Airpline ay subsidiary ng Alaska Air.
Sa paunang report na inilabas ng mga otoridad sa Washington, isang hindi pinangalanang empleyado na umano’y may problema sa kanilang kumpanya ang nang-hijack sa nasabing eroplano.
“An airline employee conducted an unauthorized takeoff without passengers at Sea-Tac…Aircraft has crashed in south Puget Sound. Normal operations at Sea-Tac Airport have resumed”, ayon sa advisory ng nasabing paliparan.
Wala namang naitalang nasaktan o namatay sa insidente maliban sa nasabing empleyado ng Horizon Airline.
Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, sinadya umano ng nasabing empleyado na walang tao sa loob ng Horizon Air turboprop Q400 bago niya ito ninakaw at saka pinalipad.
Makaraan ang ilang minuto ay sadya niya itong ibinagsak sa Ketron Island 9:30 Pacific Time.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Federal Bureau of Investigation at ng mga air crash investigators para alamin ang dahilan ng pagnanakaw at pag-crash sa nasabing eroplano sa Washington .