Sa pamamagitan ng radio communications ay paulit-ulit na pinagbawalan ng China ang paglipad ng nasabing eroplano sa naturang lugar.
“Leave immediately and keep out to avoid any misunderstanding”, ayon sa radio operator.
Hindi nagpatinag ang US Navy plane at nagpatuloy ito sa pag-ikot sa mga isla Fiery Cross, Subi Reef, Mischief Reef at Johnson Reef sabay ng pagsasabing lumilipad sila sa ibabaw ng international waters.
Kinumpirma rin ng US Navy na maraming barko ng Chinese Coast Guard ang nakita nila sa lugar.
“It was surprising to see airports in the middle of the ocean,” pahayag ni Lt. Lauren Callen na siyang pinuno ng US military crew na sakay sa nasabing eroplano.
Bukos sa Pilipinas at China, claimant rin sa nasabing mga isla sa West Philippine Sea ang Indonesia, Vietnam, Malaysia at Brunei.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Chinese government hingil sa nasabing pangyayari.