Mga negosyante nagbabala sa panukalang 14th month pay

Inquirer file photo

Pumalag ang isang grupo ng mga negosyante sa panukalang pagbibigay ng 14th month pay sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Ipinaliwanag ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na hindi kakayanin ng mga maliliit na negosyo ang nasabing dagdag na gastos sa kanilang hanay.

Sa ilalim ng Senate bill ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, lahat ng mga rank-and-file employees na nakapagbigay na ng isang buwang serbisyo sa isang kumpanya ay dapat bigyan ng 14th month pay.

Binanggit rin ng opisyal na napapanahon rin ang nasabing panukala dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.

Sa kanilang panig, sinabi ni

Mga negosyante nagbabala sa panukalang 14th month pay sa mga empleyado

PCCI President Bing Sibal-Limjoco na 99-percent ng mga kumpanya sa bansa ay kabilang sa mga tinatawag na “micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Samantalang ang ilang malalaking kumpanya ay nagbibigay naman ng hanggang sa 15th month pay kapag maayos ang kita.

Imbes na makatulong sa mga empleyado, sinabi ng PCCI na baka magsara pa ang ilang mga negosyo kapag lumaki ang over-head sa kanilang operasyon dahil sa dagdag na gastos.

Sinabi rin ng grupo na mas mabuting gumawa ng paraan ang pamahalaan na ibaba ang presyo ng ilang mga bilihin para mabigyan ng mas malaking ginhawa ang mnag ordinaryong manggagawa sa bansa.

Read more...