Chilean bishops na sangkot sa sex charges pinababantayan ni Pope Francis

AP

Pinulong ni Pope Francis ang isang Chilean bishop at pinuno ng isang samahan na tumutulong sa mga biktima ng sexual abuse sa Vatican.

Sentro ng pag-uusap ang church sex abuse scandal sa bansang Chile.

Kasama sa nasabing pag-uusap si Bichop Juan Ignacio Gonzalez ng San Bernardo at Ana Maria Celis Brunet na siyang pangulo ng Chilean National Council for the Prevention of Abuse and Accompaniment of Victims.

Nauna dito ay ipinatawag sa Vatican ang 34 mga obispo na sangkot sa iba’t ibang kaso ng pangmomolestya na nakapaloob sa 2,300-page complaint na nakarating sa tanggapan ni Pope Francis.

Lima sa nasabing mga obispo ang naghain na ng kanilang resignation base na rin sa pahayag ng Vatican.

Sa nasabing pulong ay inatasan ni Pope Francis si Bishop Gonzalez na imonitor ang galaw ng mga church officials na kasama sa mga inirereklamo.

Samantala, sinabi ni Chilean prosecutor Emiliano Arias na walong tanggapan na ng mga obispo sa kanilang bansa ang kanilang sinalakay kaugnay sa mga kaso ng sexual abuse.

Inihahanda na rin nila ang kaukulang mga kaso laban sa mga obispo na sangkot sa mga kaso ng pangmo-molestya.

Read more...