Dog-lover ka ba at naghahanap ng poprotekta sa’yo?
Hinihimok ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang publiko na mag-ampon ng mga tinaguriang “hero dogs.”
Sa pamamagitan ng social media, ipinakita ng PDEA ang mga aso na “ready for adoption.”
Maaaring ampunin sina Icon, Ivy, Jose, Kerry, King, Snoopy at iba pang aso.
Ayon sa PDEA, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan na magpapa-ampon sila ng “Narcotic Detection Dogs” na nakatuwang ng ahensya sa kanilang mga operasyon laban sa ilegal na droga.
At dahil retired na ang mga aso, sinabi ng PDEA na kailangan ng mga ito ng tahanan kung saan sila ita-trato hindi lamang bilang bayani, kundi bilang parte ng pamilya.
Maaaring makipag-ugnayan sa PDEA ang mga taong interesadong mag-ampon ng hero dogs.
Sa August 17, 2018 naman, itinakda ng PDEA ang “Adoption Day for Narcotic Detection Dogs” na bukas sa publiko.
Gagawin ito sa PDEA K-9 Unit, Sitio Lambakin, Brgy. Sto.Cristo, City of San Jose Del Monte, Bulacan. Magdala lamang accomplished adoption forms kung gustong mag-ampon ng aso.