(UPDATE) Catarman ,Northern Samar niyanig ng lindol

UPDATE – Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Catarman sa lalawigan ng Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 13 kilometers South ng Catarman 2:57 hapon ng Biyernes (August 10).

May lalim na 006 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Naitala ang instrumental intensity 1 sa Catbalogan City, Samar.

Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks ang nasabing pagyanig.

 

Read more...