Kasabay nito, itinanggi ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua na ipinapanukala nila na magpatupad ng graduated tax sa mga eskuwelahan at paaralan na pinangangasiwaan ng religious groups.
Sinabi nito na ang mga non-religious schools na kumikita ay isasalang na lang sa performance-based tax incentive.
Una nang inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities o TRABAHO Bill.
Layon nito na maging modern ang ibinibigay na insentibo sa buwis at mabawasan ang sinisingil na corporate income tax.