Ayon kay Israel Ambassador to Manila Effie Ben Matityau, magiging makasaysayan ang 3-day visit ni Duterte sa Israel na mag-uumpisa sa September 2.
Aniya, ito ang unang pagkakataon para sa isang sitting Philippine president, mula nang mag-umpisa ang diplomatic ties ng dalawang bansa noong 1958.
Kasama sa iskedyul ni Duterte sa kanyang state visit ang magkahiwalay na pulong kina Prime Minister Benjamin Netanyahu at President Reuven Rivlin, at inaasahang tatalakayin ang mga usapin sa seguridad, economic ties at iba pa.
Sinabi pa ni Matityau na maaaring mapag-usapan ang posibilidad ng pagkakaroon ng direct flight na Manila-Tel Aviv-Manila, na magpapalakas sa turismo ng dalawang bansa.
Batay sa datos, mahigit dalawampu’t tatlong libong mga Pinoy ang bumisita sa Israel noong 2017.
Huwag din aniyang mag-aalala ang mga Pilipino sa Israel dahil dadalaw ang presidente sa Filipino community, at maaaring mamasyal sa Holy Land.