Import permits na hindi ginagamit, kakanselahin na ng DA

Kakanselahin na ng Department of Agriculture ang import permits para sa baboy at manok na hindi ginagamit ng importers.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, ang hindi paggamit ng import permits ang dahilan ng mataas na presyo ng mga bilihin sa palengke na umabot sa pinakamataas na 7.2%.

Naniniwala ang ahensya na kaya hindi ginagamit ng mga importer ang kanilang import permits ay para mapanatili nila ang kanilang MAV allocation at gamitin ito sa peak season kung kailan mas mataas ang kanilang kikitain.

Ang MAV o minimum access volume ay ang pinapayagang bilang ng imports na pwedeng pumasok sa bansa sa mas mababang customs tax sa ilalim ng kasunduan sa World Trade Organization.

Sinabi ng kalihim na ang layon ng MAV allocations ay para makatulong ang pribadong sector sa pag-stabilize ng supply at presyo sa merkado.

 

Read more...