Sa resolusyon ng Sandiganbayan 6th division, hindi pinagbigyan ng korte ang motion to quash na inihain ni Floirendo dahil sa kawalan ng merito.
Ibig sabihin nito ay tuloy ang pagdinig ng korte sa graft charges laban kay Floirendo.
Sinabi pa ng Sandiganbayan na ang mga depensa ni Floirendo ay mainam na mailahad sa mismong trial.
Pumanig din ang anti-graft court sa argumento ng Office of the Ombudsman na si Floirendo na isang kongresista ay may interes at nakialam sa TADECO-BUCOR deal.
Nauna nang binanggit ni Floirendo sa kanyang motion to quash na walang “conflict of interest” sa naturang kasunduan, dahil ang share raw niya sa TADECO ay maliit lamang.
Si dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsampa ng kasong katiwalian laban kay Floirendo dahil sa pinasok na joint venture agreement ng TADECO sa BUCOR para sa pag-upa ng lupa ng Davao Penal Colony.