Sen. de Lima isinakdal na sa drug case

 

Nagpasok ng not guilty plea ang korte para kay Senadora Leila de Lima.

Tumanggi na magpasok ng plea si de Lima nang basahan ito ng sakdal sa sala ni Judge Amelia Corpuz ng Muntinlupa RTC Branch 205.

Nahaharap sa kasong conspiracy to trade illegal drugs si de Lima.

Ikinatuwiran ni de Lima na gawa-gawa lamang ang mga impormasyon sa kaso na nakinabang siya sa bentahan ng droga sa loob ng National Bilibid Prisons o NBP noong siya ang kalihim pa ng Department of Justice o DOJ.

Bago ang pagbasa ng sakdal, ibinasura na ng korte ang naunang mosyon ni de Lima na mabalewala ang inamyendahang impormasyon ng prosekusyon kaugnay sa pagbabago ng kasong isinampa laban sa kanya.

Unang kinasuhan ang senadora ng illegal drug trading.

Samantala, itinakda sa Setyembre 3 ang preliminary case conference at sa Setyembre 28 ang pre-trial.

 

Read more...