Panukalang dagdag suweldo sa mga hukom lusot na sa committee level sa Senado

gavel-article
Inquirer file photo

Aprubado na sa committee level ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang panukalang batas na magbibigay ng hazard pay sa mga hukom ng Municipal at Regional Trial Court.

Sa ilalim ng Senate Bill 2973, hindi bubuwisan ang hazard pay na katumbas ng 25 percent ng kanilang basic monthly salary.

Labing-apat na mga senador ang lumagda sa panukala. Kukunin ang paunang budget sa pondo na ilalaan sa hudikatura pero sa mga kasunod na taon ay regular na itong ipapaloob sa General Appropriations Act o pambansang budget.

Nung dinggin ng Senate Committee on Justice ang panukala, tinukoy na “high risk” ang trabaho ng mga hukom dahil lagi silang nasa panganib na bweltahan ng mga hindi masisiyahan sa kanilang mga hatol.

Sa report ng Amnesty International, dalawampu’t dalawang hukom sa bansa ang pinaslang mula 1999 hanggang 2012 o katumbas ng average na dalawang hukom na pinatay sa bawat taon.

Read more...