Bago magsara ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ngayong araw ay nagkaroon ng unloading incident sa Buendia Station northbound.
Ayon sa abiso na inilabas ng MRT-3 management, alas-9:41 ng gabi naganap ang insidente, kung saan 1,050 mga pasahero ang pinababa.
Dahil umano ito sa naranasang electrical failure sa motor ng tren.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nagsagawa na sila ng preventive maintenance at pagpapalit ng electrical components sa nasirang tren.
Samantala, makalipas naman ang siyam na minuto ay nakasakay na ang mga pinababang pasahero sa sumunod na tren.
READ NEXT
Pilipinas nakahanda nang lumagda sa joint exploration kasama ang China sa West Philippine Sea
MOST READ
LATEST STORIES