Pilipinas nakahanda nang lumagda sa joint exploration kasama ang China sa West Philippine Sea

Anumang oras ay pwedeng lagdaan na ng Pilipinas at China ang kasunduan para sa joint exploration sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang joint exploration deal ay pwedeng mapirmahan bago pa ang pagbisita sa Pilipinas ni Chinese Pres.Xxi Jinping.

Nakatakda ang pagdating sa bansa ni Xi bago matapos ang 2018 o matapos ang pagdalo nito sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC sa Nobyembre.

Ang joint exploration of natural resources sa pagitan ng Manila at Beijing sa West Philippine Sea ay tinalakay ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa cabinet meeting noong Lunes.

Sinabi ni Roque na bagaman wala pang time frame ay pwedeng malagdaan ang joint exploration anumang oras dahil sa nakatakdang pagdating ng Chinese President sa Pilipinas.

Paliwanag ng kalihim, papasok ang Pilipinas sa bilateral agreement sa China na magbibigay daan sa joint exploration.

Giit nito, ang joint exploration ay constitutional at alinsunod sa interes ng bansa.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo na bagamat nakikipag-usap ang Pilipinas sa China ay hindi isusuko ng gobyerno ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Read more...