Gusot sa PDP-Laban aayusin ni Duterte

Inquirer file photo

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang caucus para ayusin ang sinasabing gusot sa loob ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na hindi hahayaan ng pangulo na magkaroon ng paksyon sa loob ng nasabing Partido kung saan siya ang tumatayong chairman.

Kamakailan ay nagpatawag ng isang national assembly ang isang grupo sa loob ng PDP-Laban kung saan ay nahalal bilang pangulo si Atty. Rogelio Garcia.

Kaagad na sinalungat ni PDP-Laban President Koko Pimentel ang resulta ng nasabing national assembly at sinabing hindi otorisado ang nasabing hakbang.

Bago ang pulong ngayong araw ay parehong kinausap ni Go sina Pimentel at Garcia na kapwa nagsabi na dadalo sila sa party caucus na ipinatawag ng pangulo sa Malacañang.

Inaasahan rin na pag-uusapan sa pulong ang mga posibleng pakikipag-alyansa ng PDP-Laban sa iba pang Partido-pulitikal.

Read more...