Kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang economic team kaugnay sa panukalang 14th month pay para sa mga rank-and-file employees sa pribadong sektor.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na gustong malaman ng pangulo ang parameters sa pagbibigay ng dagdag na benepisyo kaugnay sa nasabing panukala na nakabitin ngayon sa Senate labor committee.
Nauna dito ay umapela sa liderato ng Senado ang ilang grupo ng mga manggagawa na kaagad na ipasa ang dagdag na tulong sa mga obrero dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Laman ng panukalang batas na tatanggap ng 14th month pay ang lahat ng mga manggagawa kasama na dito ang mga bagong pasok na empleyado na nakapagbigay na ng serbisyo sa loob ng isang buwan.
Kapag naging ganap na batas, ang 14th month pay ay hindi dapat mas mababa sa buwanang sweldo ng isang manggagawa.
Nauna nang sinabi ng MalacaƱang na gusto nilang balansehin ang pagbibigay ng mga dagdag na benepisyo sa kakayahan ng mga employer sa bansa.