Base sa 11:00AM bulletin ng PAGASA, hindi maglalandfall sa anumang bahagi ng bansa ang Bagyong Karding.
Namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,200 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ang Bagyong Karding na 65 kilometers per hour, may pagbugsong 80 kilometers per hour at kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Samantala, ang low pressure area na nasa West Philippine Sea ay huling namataan sa 950 kilometers kanluran ng Northern Luzon.
Patuloy na palalakasin ng Bagyong Karding at ng LPA sa labas ng bansa ang Southwest Monsoon o Habagat na magpapaulan sa Northern at Central Luzon, lalo na sa western section ng bansa bukas, Biyernes (August 10).
Ayon sa weather bureau, ang paglalayag sa western seaboard ng Luzon ay mapanganib.
Pinapayuhan din ang mga residenteng malapit sa mga baybayin, mabababang lugar at bulubunduking lugar na mag-ingat sa landslides at flashfloods na makipag-ugnayan sa local disaster risk reduction and management offices at patuloy na magmonitor ng lagay ng panahon.