Pinarerebyu na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Office of the Government Corporate Counsel o OGCC ang lease contract ng Nayong Pilipino Foundation sa Hong Kong developer na Landing International Development Limited, na kinukwestyon ni Presidente Rodrigo Duterte.
Itinalaga ni Guevarra si Atty. Elpidio Vega bilang officer in charge o OIC ng OGCC.
Matatandaang sinibak ni Pangulong Duterte noong Mayo 2018 ang pinuno ng OGCC na si Philip Jurado dahil sa isyu ng kurapsyon.
Ayon kay Guevarra, bilang OGCC OIC ay pangungunahan ni Vega ang pagrebyu sa NayonLanding contract, at kinakailangan niyang magsumite ng report at rekumendasyon sa DOJ.
Kamakailan lamang ay inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desisyon ni Pangulong Duterte na tanggalin sa pwesto ang lahat ng board of directors and management ng Nayong Pilipino Foundation.
Ayon kay Roque, ang 70-taon na kontrata ay “grossly disadvantageous” kaya naman galit na galit aniya ang punong ehekutibo.
Kaya naman inatasan ni Duterte ang DOJ na magsagawa ng pagsisiyasat sa NayonLanding contract.