Pang. Duterte at mga kaalyado sa PDP-Laban, magpupulong

Makikipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalyado nito sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ngayong araw (August 9).

Ito ang kinumpirma sa Inquirer.net ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, isa sa mga pinuno ng partido.

Gayunman, hindi binanggit ni Pimentel kung saan gagawin ang pulong at iba pang detalye nito.

Bukod kay Presidente Duterte, sinabi ni Pimentel na kabilang sa imbitado ay si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Matatandaan na nagkasigalot sa PDP-Laban makaarang magsagawa ng assembly ang isang paksyon ng partido, na wala raw otorisasyon.

Bukod dito, nagkaroon ang paksyon ng eleksyon na nagsisipa kina Pimentel bilang presidente at dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang secretary-general ng PDP-Laban.

 

Read more...