Ang operasyon ay pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police o PNP.
Negatibo naman sa ilegal na droga ang Oplan Greyhound sa bilangguan sa Valenzuela, makaraan ang inspeksyon ng mga otoridad.
Ang Oplan Greyhound ay bahagi ng Oplan Linis Piitan at ginagawa upang matiyak na walang ilegal na droga at mga kontrabando na nakakapuslit sa mga kulungan.
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan, nais din nilang masiguro ang kaayusan sa loob ng mga piitan.
Tiniyak naman ng opisyal na tuluy-tuloy ang inspeksyon ng mga otoridad sa iba’t ibang piitan.