Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 730 kilometro Kanluran ng Hilagang Luzon.
Habang ang Tropical Storm Karding naman ay huling namataan sa layong 1,265 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito taglay ang hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos pa ang bagyo sa direksyong Hilaga-Hilagang-Silangan sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Patuloy na hahatakin ng dalawang weather system ang Habagat na magdadala ng mahihina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas hanggang Biyernes.
Inaasahang lalabas ng bansa ang Bagyong Karding Biyernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga.
Samantala, mapanganib ang paglalayag para sa mga maliliit na sasakyang pandagat sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Western coast ng Batangas, Occidental Mindoro at Palawan.