Kinuwestyon ni Senador Chiz Escudero ang hinihinging dagdag na P100 milyon sa budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Mula sa P1.4 bilyon ngayon taon, inihirit na maging P1.5 bilyon na ang budget ng tanggapan ni Secretary Martin Andanar sa susunod na taon.
Pagdidiin ni Escudero, bakit kailangan maglaan ng malaking halaga para sa information campaign para sa pederalismo.
Katuwiran nito hindi pa naman naaprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang draft federalism constitution.
Katuwiran pa ng senador, hindi pa nga gumugulong sa Senado ang panukalang baguhin ang Saligang Batas dahil maraming senador ang tumututol dito.
Kaya aniya nakakapagtaka na paglaanan na ng malaking halaga ang information drive para sa pagpapalit ng porma ng gobyerno.
Sa panig naman ni Senadora Loren Legarda, chairperson ng Senate Finance Committee, sinabi nito na ang Kongreso pa rin ang makakapagsabi kung dapat pagbigyan o ibasura ang hirit na dagdag budget ng PCOO.