Iginagalang ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang panawagan ni Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite na mag-leave na muna sa trabaho si Assistant Secretary Mocha Uson matapos ang kontrobersiyal na video patungkol sa pederalismo.
Ayon kay Andanar, bagaman saklaw ng PCOO ang PIA, karapatan ni Clavite na maghayag ng kanyang damdamin ukol sa isyu.
Masigla aniya ang freedom of expression at freedom of speech sa pilipinas.
Bagaman sablay ang promosyon sa pederalismo, wala pa ring balak si Andanar na pagbawalan si Uson na makiisa sa pagtataguyod sa pederalismo.
Welcome aniya ang sinuman na may gustong makibahagi sa pagpapalaganap sa pederalismo.
Sinabi pa ni Andanar na ilang civil society group na rin ang nakipag-ugnayan sa kanyang tanggapan para tumulong sa pagpapaliwanag sa pederalismo.