Barangay captain patay sa pamamaril sa Pasay City

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin sa Barangay 28, Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Jovie Decena, 47 taong gulang at kasalukuyang barangay captain sa lugar.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang nasa likod ng pamamaslang.

Ayon sa pulisya, nakaupo lamang si Decena sa barangay outpost nang dumating ang riding in tandem. Agad na pinaputukan ng mga ito si Decena bago mabilisang tumakas.

Sinubukan pang dalhin sa Pasay General Hospital ang biktima, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga naka-duty na doktor.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng krimen at kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Read more...