Magkasintahan natagpuang patay sa Cavite

Natagpuang walang buhay ang isang lalaki at isang babae sa baybayin ng Barangay Julugan Sais, sa Tanza, Cavite.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Ramos, 20 taong gulang, at kanyang kasintahang si Duran Cristobal, 18 taong gulang.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa, lalo na’t walang nakakita sa magkasintahan.

Ngunit hinala ng mga residente, posibleng kinapitan ang mga ito ng dikya.

Hindi naman isinasantabi ng mga otoridad ang posibilidad na nalunod ang mga ito.

Bagaman patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, hindi pumayag ang mga kamag-anak ng dalawa na isailalim pa sa awtopsiya ang kanilang mga bangkay.

Read more...