Ilang tsuper pumalag sa pagbabawal ng MMDA sa mga “single” sa Edsa

Inquirer file photo

Gustong makausap ng ilang mga tsuper ng transport network vehicles ang mga Metro Manila mayors at ang lideratong Metro Manila Development Authority (MMDA).

May kaugnayan ito sa target ng MMDA at Metro Manila Council na ipagbawal sa kahabaan ng Edsa tuwing rush hours ang mga sasakyang driver lang ang sakay.

Ikinatwiran ng ilang mga TNV drivers na paano sila susundo ng mga pasahero na malapit sa Edsa kung sila ay huhulihin dahil sa sila lang ang sakay ng kanilang sasakyan.

Nauna nang sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na umaabot sa 70-percent ng mga sasakyang dumadaan sa Edsa ay isa lang ang sakay na pasahero.

Malaki umanong kabawasan sa daloy ng trapiko kung ipatutupad ang nasabing panukala ng Metro Manila Council.

Sinabi ni Garcia na target nilang ipagbawal sa mga “driver-only vehicles” ang bahagi ng Edsa mula Balintawak hanggang sa Magallanes sa lungsod ng Makati.

Sa bawat araw kasi ay umaabot sa 300,000 mga sasakyan ang dumadaan sa Edsa.

Inaasahan pang tataas ang nasabing bilang habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan.

Read more...