Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, kinakailangan na lamang na ayusin ng kaunti ang jingle para makasabay ang mga may edad kwarenta pataas.
Aminado ang opisyal na maaring mahirapan ang mga matatanda na masabayan ang jingle kapag mayroong rap dahil mahirap at mabilis itong bigkasin.
Bukod sa jingle, pinag-aaralan na rin aniya ng kanilang hanay ang pagkuha ng mga maiimpluwensyang artista o iba pang personalidad.
Kinakailangan na dumaan muna sa training at mayroong puso sa kampanya sa pederalismo.
Hindi rin aniyang kailangan mawala sa kampanya ang mga eksperto sa nasabing porma ng gobyerno.
Nauna rito ay nalagay sa kontrobersiya ang PCOO makaraang maglabas ng kanyang sariling “federalism video” si Asec. Mocha Uson.