Sa pagharap sa pagdinig ng Kamara sa 2019 budget ng DOT, sinabi ni Puyat na binigyan ng COA ng anim na buwan sina dating Tourism Secretary Wanda Teo upang sagutin ang Audit Observation Memo ng COA.
Paliwanag ni Puyat, nasa proper authority na ang usapin kaya didistansya na siya rito.
Dagdag ng kalihim, noong dumating siya sa ahensya ay nailabas na ng COA ang Notice of Disallowance sa transaksyon ng DOT na aabot sa P2.5 billion kabilang na ang ads na pinasok nito sa Bitag Media na pag-aari ng kapatid ng Teo na si Ben Tulfo.
Ang COA na rin aniya ang nakakaalam kung ibabalik ang nasa P60 million sa gobyerno na ipinambayad sa Bitag Media at iba pang transaksyon ni Teo.
Sinabi ni Puyat na sa kanyang pagkaka-alam, kapag bigong maibalik sa gobyerno ang halaga na kasama sa notice of dissalowance ay dadalhin ang usapin sa Office of the Ombudsman.