Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, ang kanselasyon ng flights ay bunsod na nararanasang sama ng panahon sa bansa.
Apektado ng kanselasyon ang mga pasahero ng flight PR 432 Manila-Tokyo at PR 424 Manila-Tokyo sa Terminal 2.
Sa Terminal 3 naman, kinansela rin ang flights 5J 468 na biyaheng Iloilo-Manila at 5J 480 na biyaheng Bacolod-Manila.
Sa Terminal 4, kanselado ang flights M8 715/716 na biyaheng Manila-Busuanga-Manila, Z2 424/425 na biyaheng Manila-Puerto Prinsesa-Manila, Z2 324/325 na biyaheng Manila-Tacloban-Manila at Z2 783 na Manila-Cebu.
Dahil dito, inabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa rebooking o refund ng kanilang ticket.