PDEA, tinutunton ang 5 pang containers ng shabu

Lima pang containers ng shabu ang hinahanap ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Kasunod ito ng pagkakasabat sa limang daang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.3 billion sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Manila.

Sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino, nakatanggap sila ng impormasyon na hindi lamang iisa ang container na pinaglagyan ng mga ilegal na droga kundi nasa anim.

Sa ngayon, inaalam na ng PDEA ang kinaroroonan ng mga kontrabando, bagama’t nagpahayag ng pangamba si Aquino na maaaring nailabas na ito sa pier.

Duda rin si Aquino kung talagang galing sa Malaysia ang nasabing shipment ng Vecaba Trading na pag-aari ng isang Vedacio Cabral Araquel.

 

Read more...